Duterte sa ilang community pantry organizers: "Bugok, wala lang isip yang mga 'yan"



Sa pinakunang pagkakataon, nagbigay komento na si Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa mga nagsulputang community pantry sa iba't ibang bahagi ng bansa.


Sa "talk to the people" ni Duterte na ginanap noong Abril 28, isa sa mga nabanggit niya ang mga community pantry na mayroon na sa kada sulok ng bansa.


Nalaman ng Trending Bytes na tahasang binatikos ng pangulo ang pagsasagawa nito na nasabing "walang isip" ang mga organizers.



"Pag maglinya lang sila, not so much, then sabihin, ‘you're next.’"


"Ganon sana. Bugok... wala lang isip yang mga ****** yan. They just want to show to the people that they care but they don’t really care because of their ignorance.”


Paliwanag ng pangulo, sa mga barangay, sitio o purok dapat nagsasagawa ng community pantry.


Dagdag pa ni DILG Secreatary Eduardo Año, naglabas na sila ng guidelines sa pagtatayo ng mga community pantry.


Ito ay upang maiwasan ang hindi magandang nangyari sa community pantry na isinagawa noong Abril 23 sa Barangay Holy Spirit sa Quezon City.


Tinatayang mahigit 10,000 ang mga nagpunta umano sa lugar na naging dahilan ng paglabag sa minimum health stantards.


Ito ang nakikita nilang dahilan sa maaring pagpapatigil sa mga community pantry kung pagmumulan lamang nito ng malakihang pagtitipon ng tao.


Samantala, humingi rin ng paumanhin ang pangulo sa extension ng modified enhanced community quarantine sa ilang lugar kung saan kabilang ang Metro Manila.


Ito ay dahil sa patuloy na pagtaas ng bilang ng mga nagpopositibo sa COVID-19. Narito ang video ng ilang pahayag ng pangulo na ibinahagi rin ng Unang Hirit:

Powered by Blogger.