Ina ng groom, nagulat nang makumpirmang anak niya ang bride na matagal nang nawawala



Agaw eksena ngayon sa social media ang mala-telenovela na kwento ng kasalan sa Suzhou, Jiangsu sa China noong Marso 31.


Nalaman ng Trending Bytes na muntik nang maudlot ang kasalan nang malaman ng ina ng groom ang bride ang nawawala niyang anak.



Sa ulat ng Philippine Star sinabing naging hindi inaasahang reunion ng mag-ina ang kasalan nang mapansin ng ina ng groom ang balat sa kamay ng bride. Malaki kasi ang pagkakatulad nito sa birthmark ng nawawala niyang anak.


Dahil dito, inusisa niya ang mga magulang ng bride at doon nalaman niyang nakita lamang ang noo'y batang babae sa may kalsada na kanilang kinupkop at itinuring na tunay na anak.


Ayon pa sa Dailymail, tumugma rin ito sa mga detalye tulad ng tagal na 20 taon mula nang mawala ang anak ng ina ng groom.


Naging emosyonal na ang lahat lalo na sa pag-aakalang hindi matutuloy ang kasalan.



Subalit agad namang sinabi ng ina ng groom na inampon lamang niya ang lalaki matapos nga na mawala ang noo'y batang babae kaya naman hindi sila magkapatid ayon sa Yahoo News.


Kaya naman natuloy pa rin ang kasalan at doble-doble ang kasiyahan dahil sa muling pagsasama ng tunay na mag-ina.

Powered by Blogger.