Jayzam Manabat, umamin na umano kay Camille Trinidad kaugnay sa isyu




Matapos maglabas ng saloobin si Camille Trinidad kaugnay sa isyu, naglabas na rin ng kanyang pahayag si Jayzam Manabat.


Inamin niya umano lahat kay Camille at ayaw niya umano gumaya sa iba na magtatago at itatanggi pa ang nagawa.


Humingi siya ng dispensa sa lahat ng nadismaya sa kanya at naiintindihan niya umano ang mga nagalit sa kanya lalo na ang mga tagasuporta nila na hindi inakalang magagawa iyon ni Jayzam.


Aniya, pinakaimportante sa kanya ay ang pamilya nila at ang babaeng pinakamamahal niya. Naibagai niya rin na dalawang buwan na siyang hindi umiinom at iyon umano ang pinanghahawakan sa kanya ni Camille.




"Pasensya na sa lahat nang nadismaya. Haharapin ko to bilang lalaki. Nagawa ko man ito last year. Proud akong 2 months na kong di umiinom at nasa katinuan na ko ngayon. Ayun ung pinanghahawakan ni camille ngayon kaya nya ko pinagbigyan. Hindi ako habang buhay ganto. At ayaw kong maging ganto habang buhay."


Ang Tambalang JaMill ay binubuo ng magkasintahang sina Jayzam Manabat at Camille Trinidad. Sumikat sila sa kanilang mga ginagawang content sa kanilang YouTube channel na mayroon nang mahigit 12 milyon na subscribers.

Powered by Blogger.