Jowa community pantry ng isang lalaki, kinagiliwan ng mga netizen



Kinagiliwan ngayon ng mga netizens ang kakaibang community pantry na itinayo ni Jesse James Joves.


Imbis na pagkain at ibang basic needs ng tao ang makikita sa kanyang pantry, siya lang at ang karatulang "Jowa community pantry" ang makikita.


Nalaman ng Trending Bytes na sinamahan pa niya ng ilang mga kwalipikasyon niya ang karatula upang mas madali siyang makahanap ng "jowa" o nobya na kukuha sa kanya sa pantry.


"Tall dark and pwede na... Loves the Lord, no issues... slightly used"




Aliw na aliw ang mga netizens na nakakita sa post ni Jesse. Talagang nakaupo siya sa labas may gate sa gitna ng mainit at tirik na araw.


Samantala, sa kanya ring post ilang araw bago maisipan ang pagtatayo ng kanyang makulit na konsepto ng pantry, nabanggit niya na walong taon na siyang "single" at malapit na niyang mailagay ang kanyang sarili sa community pantry.


Narito ang komento ng tuwang-tuwang mga netizens sa kanyang viral post:


"Aba magandang ideya yan kuya, medyo marami na sa friends ko ang pwede kong malagay sa ganyang klaseng pantry"


"Bentang-benta ito sa akin, may nag-mine na po ba sa inyo?"


"Aliw si kuya, naisip mo pa 'yan? Ang kulit... napatawa niyo po ako"


"Talagang nagbilad sa init si kuya para lang makuha na siya sa pantry niya... hahaha!"


"Makagawa nga nito sa amin, tutal marami pa saming magtotropa ang single"

Powered by Blogger.