Lalaki sa QC na kukuha lang ng food delivery, dinampot ng mga tanod



Nag-viral ang video ng residente ng Quezon City na si LJ Cabangis kung saan lakas loob siyang nag-Facebook live nang damputin siya ng mga tanod sa kanilang lugar.


Nalaman ng Trending Bytes na nasa alas diyes na ng gabi nang lumabas si LJ para kunin ang kanyang pina-deliver na pagkain.


Sakto namang nakita siya ng mga tanod ng kanilang barangay na agad umano siyang dinampot at kinuwestiyon dahil bawal na umanong lumabas ng bahay kaugnay ng ipinatutupad na curfew.



Ipinaliwanag ng lalaki na nagpa-deliver lang siya ng pagkain na ipinakita rin niya sa video bilang ebidensya na hindi siya lumabas nang walang dahilan.


Ngunit giit ng mga tanod na malayo na si LJ sa kanilang tahanan kaya naman dinampot na nila ito.


Ayon naman kay LJ, nasa limang metro lang ang layo mula sa kanilang tahanan ang pinagkunan niya ng food delivery.


Bagaman at pinauwi rin ang lalaki marami pa rin itong mga hinaing at reklamo sa pagtrato raw umano sa kanya ng mga bantay-bayan.


Sa ulat ng ABS-CBN News, sinabing nagreklamo na sa pulisya ang lalaki sa umano'y ginawa sa kanyang pagmumura at pag-aamba ng mga tao ng kanilang barangay.


Panoorin ang video dito:

Powered by Blogger.