Misis ng sundalo, patay matapos gilitan sa leeg at hinihinalang ginahasa pa



Kalunos-lunos ang sinapit ng isang ginang sa Camarines Sur na natagpuang patay ng kanya mismong mister na isang sundalo.


Base sa report ng Unang Balita ng GMA News, natagpuan ang bangkay ng biktima sa loob ng kanilang tahanan.


Kinilala ang biktima na si Ressian Dumagat, 31-anyos, mula sa bayan ng Camaligan.




Ayon sa ulat, nilaslas ang leeg ng biktima na naliligo na sa sarili nitong dugo nang madiskubre ng asawa.


Hinihinala ring ginahasa ito dahil nakababa hanggang tuhod ang suot nitong pang-baba.


Inaalam pa ng mga awtoridad kung ginahasa muna ang biktima bago pinatay.


Isang cellphone at charger ang nakita sa crime scene.


Tutulong din ang National Bureau of Investigation (NBI) sa imbestigasyon sa karumal-dumal na krimen.


Bumuhos naman ang pakikiramay sa pamilya ni Dumagat sa social media. Marami ang hindi makapaniwala sa biglaang pagkamatay nito.


Humihingi rin ng hustisya ang mga ito para sa ginang.

Powered by Blogger.