Mystica, pinagmumura sina Angel Locsin at Liza Soberano



Galit na galit si Mystica habang binabatikos niya si Angel Locsin kaugnay sa nangyari sa inorganisang community pantry para sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan kamakailan kung saan may isang senior citizen na pumanaw.


Minura pa nito ang aktres dahil hindi umano nito inisip ang mga taong mahihirapan sa kanyang ginawa. Inakusahan din nitong nagkukunwaring mabait lang ang aktres.



Hindi rin nakaligtas si Liza Soberano kaugnay sa kanyang mensahe kay Angel na hindi umano nito kailangang mag-apologize. Umani rin ito ng pambabatikos kaya minabuti ni Liza na linawin ang kanyang ibig sabihin.


Aniya, ang kanyang tinutukoy na hindi dapat hingian ng despensa ni Angel ay ang mga taong wala namang kinalaman sa nangyari ngunit nag-de-demand ng apology.


Si Mystica o Ruby Rose Mauanay Villanueva sa totoong buhay ay isang aktres na nakabilang sa mga palabas kagaya ng Ang Probinsyano (2015), D' Uragons (2002) and Pipo (2009). Tinagurian din siyang 'split queen' nang sumikat siya bilang isang mang-aawit.


Panoorin ang video dito:

Powered by Blogger.