Rosemar Tan, umalma sa mga taong pinagtatawanan ang dati niyang itsura



Buong tapang na binahagi ni Rosmar Tan ang litratong umano'y ginamit para pagtawanan siya. Kuha umano ito noong 2011 noong maitim pa siya at hindi pa nakapagpa-brace ng kanyang ngipin.


Kasabay ng binahagi niyang litratong ito,nagpost din ito ng picture niya nang sa kasalukuyan.


Ayon sa kanya, naranasan niyang ma-bully noong Elementary siya hanggang college dahil sa kanyang itsura.



Aniya, nasa high school palang siya ay gumagamit na siya ng concealer sa kanyang buong mukha dahil nagkakapeklat ang kanyang pimples na tinitiris niya umano gabi-gabi.


Naitanong niya umano sa sarili niya kung bakit yung iba maputi, mainis at maganda. Ang tanging pageant na nasalihan at napanalunan niya umano noon ay iyong money contest.


Nilinaw niya rin ang binabatong isyu na nagparetoke umano siya ng ilong.


Aniya, na-emphasize ang kanyang ilong matapos matanggal ang kanyang braces at nagbawas pa ang kanyang timbang.






"Ang tagal ko na build ang Self confidence na meron ako ngayon. babagsak lang pala dahil sa isang video.Ngayon huhusgahan pa akong nag iinarte, scripted ,famewhore at for clout kaya ako nag VOICE OUT. Sana all tulad nyo na never na experience ang mga pinagdaanan ko."

Powered by Blogger.