Simot! Grupo ng kababaihan, nilimas ang laman ng isang community pantry



Usap-usapan  ngayon sa social media ang video ng ilang kababaihang nilimas ang laman ng isang community pantry.


Napag-alaman ng Trending Bytes na nangyari ang insidente sa Barangay Kapitolyo sa Pasig City.


Sa CCTV footage na mabilis na kumalat sa social media, makikita ang community pantry na itinayo ni Carla Quiogue.



Maya-maya ay dumating ang anim na kababaihan at agad na lumapit sa mesang naroon. Ilang saglit lang ay kanya-kanya na nang kuha ang mga babae. Ang isa sa kanila, maging ang dalawang tray ng itlog ay kinuha rin.


Makikita rin na may mga dala pang eco bag ang mga babae.


Dismayado naman si Quiogue sa ginawa ng mga babae na wala raw itinira sa pantry.


"Just when I thought na solid mga pinoy sa tulungan. May isang group ng babae na tinangay lahat pati dalawang tray ng itlog. Walang tinira. Sana talagang yun yung kailangan nila," anito sa isang Facebook post.


Sa kabila nito, ipagpapatuloy pa rin daw nila ang ginagawang pagtulong. Ayon sa update nito, marami ang nagmensahe sa kanya para magbigay ng tulong.


Panoorin ang video dito:

Powered by Blogger.