Sobra na! Babaeng nanimot sa community pantry, nanawagan kay Raffy Tulfo



Nananawagan ang isa sa mga babaeng sangkot sa isang viral video kung saan naaktuhan silang inuubos ang laman ng community pantry sa Barangay Kapitolyo, Pasig City.


Ayon sa report ng Frontline Pilipinas, kinilala ang babae na si Maricar Adriano na napag-alamang pitong buwang buntis pala.


Nakiusap ito kay Idol Raffy Tulfo na sana ay pagharapin sila ng organizer ng nasabing community pantry na si Carla Quiogue. Hindi raw kasi sila pinapansin nito kahit na anong pakiusap ang gawin nila.



"Nananawagan na rin ho ako kay Raffy Tulfo, baka po pwede niya kaming pag-usapin ni Carla ng personal. Kaming dalawa, para magkaharapan kaming dalawa," anito. "Ganun din siya samin, mag-public apologize rin siya samin. Sobra na kaming naaapektuhan lalo na ako."


Labis na stress na raw ang nararamdaman nila matapos mag-viral ang CCTV footage na in-upload sa social media ni Quiogue.


Hiyang-hiya na rin daw sila dahil kahit saan sila pumunta ay nakakarinig sila ng masasakit na salita mula sa taong-bayan.


Dahil dito, dumulog na sila sa Barangay Kapitolyo para ireklamo ang isang tricycle driver na kumha ng isang video na nag-viral din sa socmed.


"Sasampahan din po namin siya ng kaso kasi grabe nga ho 'yung nangyari saming damage diba?" sabi ni Adriano.

Powered by Blogger.