Vico Sotto, pinasalamatan sina Anne Curtis at Angel Locsin sa kanilang donasyon sa Pasig



Sa kanyang Facebook live video, pinasalamatan ni Vico Sotto ang dalawang Kapamilya stars na sina Angel Locsin at Anne Curtis.


Isang milyon ang naibigay ng Shop & Share kung saan kabilang sina Anne at Angel. Ayon pa kay Vico, binigay lang ang tseke na iyon na kanilang idadagdag sa vaccination program ng lungsod.




"Dinonate nila ito walang fanfare, walang media. Ni hindi nga kami nagkita. Iniwan lang nila 'yung tseke," aniya.


Matatandaang naibahagi ni Angel Locsin sa kanyang Instagram account ang tungkol sa anim na milyong nalikom ng Shop & Share na paghahati-hatiin sa limang lungsod ni kinabibilangan ng Baguio City, Taguig City, Quezon City, Manila City at Pasig City. Kabilang din ang Philippine Red Cross sa kanilang benipisyaryo.


"In hopes of truly flattening the curve and helping our kababayans who are most in need, in the sectors of the urban poor and working groups, we have decided it is best to donate the rest of the proceeds of Shop and Share to LGUs and an organization that now have solid COVID-19 Vaccination initiatives for members of their communities. This is in addition to the funding of COVID-19 tests conducted last year."


"The proceeds amounting to six million pesos (Php 6,000,000) are split to benefit 5 cities and an organization active in the fight against COVID-19."


Si Vico Sotto ay nakilala bilang anak ng TV host na si Vic Sotto at batikang aktres na si Coney Reyes. Kasalukuyan siyang nanunungkulan bilang Mayor ng Lungsod ng Pasig.


Isa siya sa pinakapinupuring mga alkalde dahil sa magagandang proyektong kanyang pinapatupad sa kanyang nasasakupan.

Powered by Blogger.