Viral! Doktor at pasyenteng nawalan ng baby, nagkasagutan sa ospital



Mainit ang pagtatalo ng isang doktor at ng isa nitong pasyente na bagong panganak sa isang viral video na ngayon ay kalat na sa social media.


Batay sa video na kuha ng pasyenteng kasagutan ng doktor, namatayan ito ng baby, ayon na rin dito.


Ngunit wala umanong maibigay na maayos na eksplanasyon ang doktor na tila naging ugat ng pagtatalo.


Sa naturang video, maririnig na tila nagpupumilit din ang pasyente na makauwi na.



Makikita rin na tila nawalan na ng kontrol ang doktor na nakipagsigawan at dinuro ang pasyente. Iginiit rin nito ang sarili nitong karapatan.


Hindi naman naging malinaw kung paano nagsimula ang diskusyon ng dalawa.


Sa huling bahagi ng video ay makikita naman na biglang umalis ang doktor.


Nahati naman ang opinyon ng mga netizens ukol sa insidente.


"Very unprofessional, we have to admit we have a very poor health system in the Philippines."


"Dapat wag idaan sa galit!! Syempre p pagud nrin Ang lahat ng frontliners lalo n sa mga Doktor."


"Sa side ng inang namatayan ng baby, nanjan ang agony nya. nawalan sya. normal ang ganyang asta dahil nasa post-partum depression sya."


"Alam neu mga kababayan malaking utang na loob natin sa mga frontliners kc.dilikado din buhay nila at pasalamat nlang tayo na andyan sila sa ating mga pag hihirap."


"Wala naman perpektong doctor lalong walang perpektong pasyente . Sana mgkaroon tayo ng respect sa isat isa."


Narito ang video mula sa FB page na Tulfo Brothers Fans:

Powered by Blogger.