Vlogger, naiyak dahil sa isang inang gumagapang makagawa lang ng gawaing bahay



Natulungan ng YouTube vlogger na si Virgelyn cares ang inang si Gina na hindi na makalakad ngunit sinisikap pa rin na kumilos para magawa ang mga gawain sa bahay.


Nalaman ng Trending Bytes na halos wala nang makain ang mag-iina dahil wala silang maayos na pinagkakakitaan.


Ang panganay niyang anak ay tumutulong lamang sa bukid at iyon lamang ang inaasahan nila na may kikitain.


Kaya naman nagtitiyaga na lamang sila sa kung anumang tanim sa paligid nila na maari nilang makain.



Ang kanyang bunsong anak na babae ay nadatnan pa ni Virgelyn na nangunguha ng tanim na pwede nilang maidagdag para makain.


Mahirap ang buhay nina Gina lalo na at iniwan naman na siya ng kanyang mister buhat nang siya ay hindi na makalakad.


Malakas pa sana si Gina subalit hirap lamang talaga siyang gumalaw dahil sa paralisado na ang mga binti.


Talagang naluha si Virgelyn nang iabot na niya ang tulong niya sa mag-iina. Labis ding nagpasalamat si Gina dahil napakalaking tulong na sa kanila ang isang sakong bigas at ang tulong pinansyal na ibinigay sa kanila ng matulunging vlogger.


Ang Virgelyncares 2.0 YouTube channel ay isa sa mga vlogger sa Pilipinas na ang pangunahing layunin ay ang makatulong sa kapwa na labis na nangangailangan.


Panoorin ang video dito:

Powered by Blogger.