‘Asian Cutie’ Albert Nicolas sa pagkatalo ng Pilipinas sa Miss Universe: “Babawi tayo sa Mr. Universe!”



Dahil sa pagkabigo ng ating kandidatang si Rabiya Mateo na maiuwi ang ikalimang Miss Universe crown para sa Pilipinas, idinaan na lamang sa biro ng mga Pilipino ang panghihinayang. Lumabas ang pagiging brainy at makulit ng mga Pilipino sa iba’t ibang eksena at ganap sa nakaraang Miss Universe coronation night.


Isa sa mga nagpasaya sa mga netizen ay ang vlogger at social media personality na si Albert Nicolas o “Asian Cutie.” Nang hindi makapasok sa top 10 ng Miss Universe si Rabiya, agad na nag-post si Albert sa kanyang Facebook page.



Ngunit kaiba sa mga Pinoy na dismayado sa resulta, tila pinalakas ni Albert ang loob ng mga Pilipino sa kanyang post. Biro kasi niya, ibabawi niya raw ang Pilipinas sa “pagsali” niya sa Mr. Universe pageant. Kalakip ng post ang larawan niyang nasa lobby ng isang hotel kasama ang kanyang maleta na animo’y kandidatong papunta sa venue ng kompetisyon.


“Babawi tayo sa Mr. Universe,” pahayag ni Albert sa post niyang talaga namang nag-trending sa social media. Habang isinusulat ang istoryang ito, mayroon nang 184,000 reactions, 5,400 comments, at 34,000 shares ang hirit na ito ni Albert.


Hindi natapos sa nasabing post ang pagfe-feeling ni Albert na susunod na pambato ng bansa sa isang international pageant. Nag-post din kasi siya ng isang TikTok video sa kanyang Facebook page kung saan kungwari ay kinakapanayam siya sa pagdating niya sa venue ng pageant.


Tinanong siya ng nagpakilalang reporter kung ano para kay Asian Cutie ang isang “handsome man.” Agad namang sinagot ito ni Albert nang may kompiyansa at pang-Mr. Universe talaga ang dating.



“Well, ah for me… The most handsome man in the world is someone who believes that handsome is not a face but a feeling. And standing in front of you is an example of the most handsome man in the world. Thank you,” sagot ni Albert bilang si Mr. Philippines.


Walang kapantay na saya naman ang ibinigay ng mga post na ito ni Albert sa kanyang page. Ayon sa kanila, hindi raw talaga nawawalan ng paraan para magpaligaya sa mga netizen ang sikat na social media personality. “Aabangan” daw talaga nila ang pagsalang ni Albert sa Mr. Universe pageant.


Panoorin ang pang-Q and A na galing ni Asian Cutie:

Powered by Blogger.