Babaeng nagpagawa ng CR sa kanyang puwesto nagulat sa sobrang liit nito



Ang pagkakaroon ng palikuran or CR (comfort room) ay kinakailangan sa mga lugar na pinanatilihan ng mga tao kagaya ng mga business establishments. Kaya naman nang makakita ang isang babaeng negosyante ng commercial space at wala itong CR, hiniling nito sa may-ari ng building na pagawan ito.


Titira kasi roon ang magbabantay ng kanyang tindahan ng US goodies na Siopee kaya gusto niyang maging komportable rin ang pagtira nito. Isa pa, malayo mula sa tindahan ang kanilang bahay dahil dalawang kalye pa ang lalakarin bago marating ito.


Masaya siya dahil pumayag naman daw ang may-ari ng commercial space basta’t magbibigay lang daw muna siya ng advance at deposit.



“Nag-request ako sa may ari na wag masyado pang mansyon ang CR, kasi sayang ung space,” kuwento pa niya sa kanyang post.


Kaya lang nang matapos na ang CR, nagulat na lamang siya sa sukat nito.


“And VOILAAAAAAAA eto na nga. Pang payat lang po, ang sakit. Pag-uwi ko ng Pinas, magbabaon na lang po ako ng arinola kasi malapad po ako,” sabi ng babae.


Pinapuntahan niya ito sa kanyang pinsan na siya ring nag-design ng kanyang shop at sa larawang ipinakita nito halos hindi magkasya ang kanyang pinsan sa loob. Nakadikit na kasi ang dalawa nitong balikat sa pader. Mukhang maglalakad ka na parang alimango para lamang makapasok.



At mukhang mahirap na itong ayusin dahil nakasemento na ang mga pader nito. Kaya binigyang-diin ng babaeng negosyante ang importansya ng pagsilip sa mga pinapagawa natin.


Subalit nilinaw naman niya na hindi niya sinisisi ang may-ari kundi ito ay pananagutan ng gumawa. Kaya paalala na lamang niya sa kanyang customer na huwag muna pumunta roon kung masama ang tiyan.


Samantala kahit ganoon ang nangyari, may positibo naman siyang puna rito,’


“In fairness po ay maganda ang lighting!”

Powered by Blogger.