Delivery rider, naiyak at napayakap ng mahigpit sa nagsauli ng kanyang wallet



Napaiyak at napayakap pa ang delivery rider na si Anacleto Flores Lihayhay sa nakapulot at nakapagsauli sa kanya ng kanyang wallet.


Nalaman ng Trending Bytes na nag-pick-up si Lihayhay sa lugar kung saan taga-roon ang nakapulot ng wallet niya na si Hannibal Damasco.


Sa video, makikitang nahulog nga mula sa bulsa ni Lihayhay ang pitaka.


Nakita rin sa video ang pagpulot dito ni Damasco. Nasa 20 na minuto pa ang nakalipas nang bumalik si Lihayhay sa pagbabakasakaling may nakakita nga ng kanyang pitaka.



Nagkataong si Damasco ang kanyang napagtanungan at nagbiro pa raw ito na wala.


Ngunit nang isauli na niya ang pitaka, doon na naging emosyonal si Lihayhay.


Tila nakalimutan din nitong mayroon pang COVID-19 at talagang napayakap kay Damasco sa pasasalamat.


Sa panayam ng GMA News kay Lihayhay, ganoon na lamang ang kanyang pasasalamat sa nakakuha ng kanyang pitaka dahil bukod sa mga mahahalagang ID ay naroon din ang Php3,000 na kanya pang inutang pang-abono sa kanyang mga deliveries.


"Uulit-ulitin ko 'yung yakapin ko siya sa pasalamat ko. Gagawin at gagawin ko pa rin 'yun, napakabait niyang tao"

Powered by Blogger.