Huwarang ama, siniguradong hindi mamroblema ang pamilya sa kanyang pagpanaw



Umabot sa mahigit dalawang daang libong piso ang perang naiwan ng isang ama sa kanyang naulilang pamilya


Gayunpaman, natuklasan lamng ito ng kanyang pamilya nang siya ay pumanaw na.



Ayon sa Facebook user na si Dy Dela Paz, kahit sa huli ay iniisip pa rin sila ng kanyang ama. Napag-alaman nilang may naitabi palang pera ang kanyang ama sa isang bag na lagi umano nitong bitbit noong nabubuhay pa siya.


Kabilin-bilinan din umano nito sa kanyang asawa na huwag gagalawin at lalabhan ang nasabing bag.





"Kaya pala lagi mo bitbit ang bag na yan kahit saan ka pumunta, sino ba mag aakala na may malaking halaga pala ang nasa loob nyan at ang bilin mo sa nanay at wag gagalawin at lalabhan. Maraming salamat po tay, hangang sa huli hindi nyo po kami pina problema. Nakakalungkot lang tay, sana dalawin mo kami para mabawasan ang sakit tay. Mahal na mahal ka namin tay. Napaka bait mo sa lahat tay."


Umabot sa 205,000 ang perang naipon ng kanyang yumaong ama.

Powered by Blogger.