Isang ina, nawindang sa natuklasang pera matapos habulin ang isang daga



Viral sa Facebook ang post ng netizen na si Sherryl Anlap Tayhopon. Ibinahagi niya ang kanyang natuklasan sa mismong pader nila. Nakasiksik doon ang mga perang papel na tinangay ng daga.


Ayon sa kanya, hinabol niya ang isang dagang kanyang nakita sa loob ng kanilang bahay. Sinundan niya ito hanggang sa pumasok ito sa isang bahagi ng kanilang pader at hindi niya na ito makita.




Kaya naman napagpasyahan niya pa-ilawan ang bahaging iyon ng kanilang pader at ikinawindang niya na maraming perang papel ang dinala doon ng nasabing daga.


Nagtataka umano siya na kahit anong bilang niya ay laging nagkukulang ang pera niyang pambayad para sa pag-aaral ng kanyang mga anak kahit wala namang ibang tao sa kanilang bahay.


Mayroon pang perang nasira at umaasa si Sherryl na mapapalitan pa ito sa bangko.





Sa kasalukuyang panahon na lahat ng pangyayari ay maaring ibahagi sa social media, naging mas madali para sa netizens ang makakuha ng mga impormasyon at bagong kaalaman.


Kaya naman, hindi nakakapagtaka na mabilis na kumalat ang mga video at balitang kakaiba o hindi pangkaraniwan.

Powered by Blogger.