Jon Gutierrez, sinabon nang husto ng ina niya kaugnay sa nagawa nito kay Jelai Andres



Sa isang video na binahagi ni Jon Gutierrez sa kanyang YouTube channel, pinakita niya ang naging pag-uusap nila ng kanyang inang kasalukuyang nasa ibang bansa.


Lingid sa kaalaman ng kanyang ina, ni-record ni Jon ang kanilang naging pag-uusap.


Matinding panenermon ang inabot ni Jon sa nanay niya na inaming noon palang nagdesisyong magpakasal sina Jon st Jelai ay huling pa siya ng dalawang taon pa dahil sa tingin niya ay hindi pa handa ang anak.




Nangako naman si Jon na aayusin niya ang kanyang pamilya. Hindi napigilang maiyak ng kanyang ina dahil ang gusto niya lang umano para sa kanyang anak ay magkaroon ito ng kanyang sariling pamilya.


Nakilala sina Jelai Andres at Jon Guttierez dahil sa kanilang videos na nag-viral sa Facebook. Si Jelai ay isang cover girl ng FHM na ngayon ay isa nang Kapuso actress at social media influencer. Si Jon naman na kilala din sa bansag na King Badger ay miyembro ng grupong Ex-Battalion.


Matatandaang nakipaghiwalay si Jelai kay Jon noong Marso 2019 matapos nag-viral ang kontrobersiyal na Facebook live ni Toni Fowler, ang itinuturong third party sa kanilang relasyon.

Powered by Blogger.