Lumang video ni Julia Barretto na kumakain ng isaw, viral sa social media



Kumakalat ngayon ang video ni Julia Barretto na kumakain ng isaw. Taliwas ito sa lumabas sa vlog ni Gerald Anderson kamakailan kung saan nagtatanong pa siya kung ano ang isaw. Kabilang ang isaw sa mga street foods na hindi pa umano niya natitikman.



Sa nasabing vlog ay sinagot ni Julia ang ilang katanungan mula sa netizens habang sinusubukan ang iba't-ibang pagkain.


Sa lumang video na kumakalat sa social media, hindi makikita ang tila pandidiri nito sa isaw na nakita sa vlog ni Gerald lalo nang malaman niyang gawa sa bituka ng manok ang isaw.




Si Julia Barretto ay aktres na nagmula mula sa angkan ng mga Barretto na kilala sa mundo ng showbiz. Anak siya ng komedyanteng si Dennis Padilla at aktres na si Marjorie Barretto. Pamangkin siya nina Claudine at Gretchen Barretto. Nagsimula siya sa showbiz bilang si Anna Calugdan sa fantaseryeng "Kokey" sa ABS-CBN. Dahil sa galing niya sa pag-arte ay naging bahagi siya ng maraming mga serye at pelikula.

Powered by Blogger.