Maymay Entrata, diretsahang sinagot si Edward sa tanong na "Is there still a chance?”



Hindi na ikinaila ni Maymay Entrata na nasira ang kanyang pagtitiwala kaugnay sa nagawa sa kanyang kasalanan. Ito ay matapos siyang tanungin ni Edward Barber sa “Kwentong Barber” sa live streaming app na Kumu.


"Sige magpakatotoo na tayo. Kagaya ng sinabi mo kanina yung mga pagkakamaling nagawa. Ang pinakamahirap kasi sa'kin kapag nasira na 'yung tiwala. Ang hirap mabalik,"



Ito ang makahulugang sagot ni Maymay sa katanungan ni Edward na “Maymay, is there still a chance?”


Inamin din ng dalawa ang tungkol sa pinagdaanang pagsubok ng kanilang samahan noong nakaraang taon.


Gayunpaman, nilinaw naman ni Maymay na maaari pang maibalik ang pagiging komportable nila sa isa’t isa lalo pa’t magkasama silang pumasok sa industriya ng showbiz matapos ang PBB.



Diretsahan ding inamin ni Maymay na ayaw niyang paasahin si Edward ay mayroon nang nagpapasaya sa kanya.


Tila inasahan naman ni Edward na maaring ibahin ang kontexto ng kanilang usapan kasunod ng pag-uusap nila ni Maymay.


"People will try to twist it or give their opinions, God bless you" 

Powered by Blogger.