Miss Universe 2013 third runner-up Ariella Arida, nanghinayang kay Rabiya; 'Baka kinabahan'



Ibinahagi ni Miss Universe 2013 third runner-up Ariella Arida ang kanyang pananaw sa performance ni Rabiya Mateo sa katatapos lang na 6th Miss Universe sa Hollywood, Florida.


Nalaman ng Trending Bytes na isa si Ariella sa mga nanghihinayang para kay Rabiya na kinakitaan naman niya umano ng "hard work" sa buong kompetisyon.


Sa panayam sa kanya ni Dyan Castillejo ng ABS-CBN News, nasabi rin ni Ariella na gandang-ganda talaga siya sa mukha ni Rabiya.



“Nasasayangan talaga ako sa mukha ni Rabiya, parang for a representative sa Miss Universe, gandang-ganda kasi talaga ako sa kanya.”


Ayon pa sa beauty queen, nakita naman niya na talagang pinaghuhusayan ni Rabiya ang bawat yugto ng kompetisyon.


“Kita ko naman 'yung hard work niya kung paano niya nilaban 'yung competition."


"Siguro I would comment lang kung ako 'yung judge, medyo napansin ko na kung hindi ko siya kilala parang kinakabahan ng kaunti”


Nais sana ni Ariella na makita lagi ang ngiti ni Rabiya sa paligsahan dahil lalo raw itong gumaganda subalit dala marahil ng kaba, bihira niya itong nagawa.


"Hinihintay ko kasi siya mag-smile talaga kasi doon siya naggo-glow, even the eyes. Serious look siya. Pero sobrang ganda niya, ang ganda ng makeup perfect look. So baka kinabahan siya during that time"


Gayunpaman, isa rin si Ariella sa mga naging proud pa rin kay Rabiya sa pagkakapasok nito sa top 21.


"To think na ang daming candidates na akala natin strong contender pero hindi napasok sa top 21, for her to be able to be part of top 21, it’s something to be proud of"

Powered by Blogger.