Mystica, umalma sa pahayag daw ni Jam Magno na hindi siya pumapatol sa may sayad



Marami sa mga tagahanga ni Rabiya Mateo ang natuwa sa ginawa ng singer na si Mystica sa TikToker na si Jam Magno.


Sa kanyang panibagong YouTube video, hindi tinantanan ni Mystica ang nasabing TikToker matapos umano nitong sabihing hindi siya pumapatol sa taong may sayad.


Bwelta naman ni Mystica, "It takes one to know one," kaya talagang may sayad daw si Jam.



Matatandaang umani ng pambabatikos si Jam matapos ang kaniyang reaksiyon matapos nga hindi mapasama sa top 10 si Rabiya sa katatapos lang na Miss Universe 2020.


Kasunod nito ay napabalitang suspindido na ang account ni Jam sa TikTok. Gayunpaman, sinabi nitong hindi na bago sa kanya ang pagkaka-banned sa TikTok dahil nangyari na rin ito umano sa kanya noon at nakabalik naman siya.


Si Mystica o Ruby Rose Mauanay Villanueva sa totoong buhay ay isang aktres na nakabilang sa mga palabas kagaya ng Ang Probinsyano (2015), D' Uragons (2002) and Pipo (2009). Tinagurian din siyang 'split queen' nang sumikat siya bilang isang mang-aawit.

Powered by Blogger.