Pari na inakusahan ng pakikiapid, nagawang mag-sorry sa kumakalat na viral video



Gumulantang sa social media ang kumakalat na video ng mister na napasugod sa isang pari sa Pampanga na umano'y karelasyon ng kanyang misis.


Nalaman ng Trending Bytes na nasa limang minuto ang komprontasyon na unang kumalat sa pamamgitan ng private messages.


Ayon sa UNTV, nitong Lunes, Mayo 3 nang magsimulang kumalat ang naturang video. Dala ang kanilang family portrait, hindi nakapagpigil ang mister na sirain ito sa harap mismo ng pari.


Mapapansin ding dala nito ang isang maleta at ilang gamit ng misis na ipinauubaya na raw niya sa alagad ng simabahan.



Dala ng matinding emosyon, naisigaw pa ng mister ang ikaanim sa sampung utos ng Diyos na "thou shall not covet they neighbor’s wife."


Lakas-loob pang humingi ng "sorry" ang pari na lalo lamang ipinagngitngit ng mister.


Sa ulat ng ABS-CBN News, sinabing malapit na kaibigan ng pamilya ang pari kaya ganoon na lamang ang sama ng loob ng mister at mga binatilyong anak nito.


Hindi na rin nila napigilang murahin ang namumuno sa kanilang simbahan at sinabihan din nitong "ahas."


Wala namang kibo ang misis at hindi na rin makaimik habang patuloy na naglalabas ng saloobin ang kanyang mag-aama.


Samantala, nakipag-ugnayan na rin si Archbishop Florentino Lavarias Archdiocese of San Fernando sa paring sangkot sa naturang iskandalo at sinabi nitong ipinapanalangin nila ang patnubay ng Diyos upang mabigyang linaw ang mga kaganapan.

Powered by Blogger.