Php10,000 na nakaipit sa ATM, naibalik pa rin sa may-ari



Isang ina sa Calasiao, Pangasinan ang nag-utos sa kanyang anak na mag-withdraw ng Php1,000 para sa kanilang panggastos.


Nalaman ng Trending Bytes na 4Ps beneficiary pala ang ginang at na-hold umano ang benepisyo nito ngunit nang araw na iyon, may nakapagsabi sa kanya na i-check ang ATM sa pagbabakasakaling mayroon na itong laman.


Dahil hindi bihasa sa paggamit ng ATM, inutusan niya ang kanyang anak na hindi rin pala gaanong marunong.



Kaya naman ang anak, nagpatulong din sa kanyang kakilala na naroon. Iyon nga lang, malabo pala ang mata ng kanyang napagtanungan. Kaya naman imbis na Php 1,000 lang ang napindot, nasobrahan ito ng 0 kaya naging Php10,000.


Ngunit ayon sa anak may lumabas na "Sorry" sa ATM kaya inakala nilang walang lalabas ng pera.


Subalit nagpatuloy ang transaksyon dahilan para maipit sa ATM ang Php10,000.


Napakaswerte nila na ang nakakita ng pera ay nagmalasakit na isauli ang Php10,000 kaya dinala niya ito agad sa barangay na siyang nagpost sa social media para mapadali ang pagkuha ng may-ari.


Natulungan din sila ng bangko upang ma-verify na sa tamang tao nga mapupunta ang may kalakihang halaga ng pera.


Narito ang kabuuan ng video mula sa GMA Regional TV:

Powered by Blogger.