QC Mayor: 10K na dumalo sa community pantry ni Angel Locsin, kailangang ma-trace



Sinabi ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na 10,000 mamamayan ang kailangan nilang i-contact trace kaugnay ng community pantry ni Angel Locsin, base sa ulat ng 24 Oras.


Matatandaang bilang selebrasyon sa kanyang kaarawan ay nagtayo ng kanyang community pantry ang aktres sa Barangay Holy Spirit sa lungsod ng Quezon noong isang linggo.




Dinaluhan ito ng napakaraming tao at hindi na nasunod ang social distancing na mahigpit na ipinapatupad ngayong may pandemya.


Isang matandang lalaki ang nasawi kaugnay nito. Agad namang humingi ng sorry si Angel sa nangyaring kaguluhan.


Dahil dito, hinikayat ng Quezon City Epidemiology and Disease Surveillance Unit (CESU) na magpa-test ang mga taong dumalo roon.


Panoorin ang video dito:

Powered by Blogger.