Toni Fowler, naiyak sa naging tanong sa kanya ng anak na si Tyronia



Magakasama ang mag-inang Toni at Tyronia Fowler sa panibagong vlog na pinamagatang Things I never ask my mom by Tyronia Fowler.


Dito sinubukang sagutin at ipaliwanag ng vlogger ang mga sagot sa katanungan ng anak niya sa kanya.


Kabilang sa mga naitanong ng kanyang anak ay kung totoo bang nanakawan sila.


Ayon kay Toni para sa kanya, naniniwala siyang pagnanakaw ang ginawa sa kanila dahil ginastos ang kanilang pera nang hindi nila alam.



Tinanong din ni Tyronia kung kailan daw babawiin ni Toni ang kanilang mga kotse.


Binahagi ng vlogger na kasalukuyang inaayos ito at kamakailan nga daw ay nakausap niya ang kanyang abogado hinggil sa prosesong kanilang gagawin upang tuluyang mabawi ang mga kotse mula sa dati niyang karelasyon.


Naging emosyonal naman si Toni nang tanungin siya ng anak kung okay lang daw ba siya. Ayon kay Toni may mga panahong parang gustong sabihin ni Toni na hindi siya okay ngunit nagpapakatatag siya para sa anak.


Sumikat nang husto si Toni Fowler matapos masangkot sa eskandalo kaugnay sa paghihiwalay nina Jelai Andres at Jon Gutierrez. Sa kabila ng kontrobersiya ay marami ang sumuporta kay Toni at ang naging karelasyon nitong si Rob Moya.

Powered by Blogger.