Alwyn Uytingco, sinabing mahal na mahal niya ang asawang si Jennica Garcia



Nagbahagi ng isang maikling mensahe si Alwyn Uytingco para sa asawang si Jennica Garcia sa pamamagitan ng kanyang Instagram account. Ito ang unang pagkakataon na nagbahagi ang aktor ng litrato ng asawa simula nang lumabas ang balitang naghiwalay na sila.



Ani Alwyn, marami siyang nais sabihin ngunit hindi niya kayang sabihin ang kanyang paliwanag sa simpleng salita. Gusto na lamang umano niyang ipaalala kay Jennica na mahal na mahal niya ito.



"Ang dami ko gusto sabihin. Pero hindi kayang ipaliwanag ng mga simpleng salita. Hindi ko ‘to gustong pahabain pa. Ang gusto ko lang malaman mo, at wag na wag mong kakalimutan.. mahal na mahal kita. @jennicauytingco"



Si Alwyn Uytingco ay nagsimulang makilala sa mundo ng showbiz matapos maging bahagi ng "Ang TV." Ilan sa mga pelikulang kanyang kinabilangan ay Ang Tanging Ina kung saan gumanap siya bilang si Pip at ang 2018 film na Asuang kung saan ginawaran siya ng Best Acting Award sa Cinema One Originals 2018 International Film Festival.

Powered by Blogger.