Dennis Padilla, aminadong natatakot siyang ma-reject ng mga anak



Sa isang panayam ni Ogie Diaz kay Dennis Padilla, naikwento nito ang kanyang saloobin tungkol sa kanyang pagiging ama at kung gaano niya gustong makita at makasamang muli ang mga anak na sina Julia, Claudia at Leon Barretto.


Aniya, matagal na rin nang huli niyang nakita ang mga ito at gusto niya sanang makasamang muli ang mga ito. Gayunpaman, aminado siyang hindi niya pa nasusubukang yayain ang mga anak na makipagkita sa kanya dahil natatakot umano siyang ma-reject siya ng mga ito.



Aniya, handa siyang magpa-PCR test bago sila magkita kung sakaling papayag ang mga anak niya para na rin masigurado ang kaligtasan ng mga ito.


Dahil na rin sa kanyang pinagdaanan kamakailan na inakala niya ay ikakamatay niya na, maraming naging realization si Dennis. Humingi siya ng tawad sa mga anak niya at sa lahat ng babaeng kanyang naka-relasyon.




Si Dennis Padilla o Dennis Esteban Dominguez Baldivia ay isang Filipino comedian, TV host, radio broadcaster at aktor. Anak siya ni Dencio Padilla, at siya ang ama ni Julia Barretto. Nagsilbi siya bilang konsehal ng Caloocan City noong 2001.

Powered by Blogger.