Jelai Andres, tuluyan nang nagsampa ng reklamo laban kay Jon Gutierrez



Tuluyan nang nagsampa ng reklamo ang vlogger-actress na si Jelai Andres laban sa kanyang asawang miyembro ng grupong Ex-Battalion na si Jon Gutierrez na kilala din sa pangalang King Badger.


Sa ulat ng News 5, sinampahan ng reklamong concubinage ni Andres ang asawa at ang napapabalitang karelasyon nito at ang taong umano'y tumutulong sa kanilang relasyon.



Ayon sa abogado ng aktres, nauna na silang nagsampa ng kasong violence against women and children noong Abril. Dumanas umano ng depression si Andres dahil umano sa patuloy na pambababae ng asawa.


Matatandaang nitong buwan ng Marso ay naging usap-usapan ang muling pagbahagi ni Jelai sa umano'y pagtataksil sa kanya ni Jon.




Si Jelai ay isang cover girl ng FHM na ngayon ay isa nang Kapuso actress at social media influencer. Si Jon naman na kilala din sa bansag na King Badger ay miyembro ng grupong Ex-Battalion. Unang sumikat sa social media sina Jelai at Jon dahil sa kanilang videos na nag-viral sa Facebook.

Powered by Blogger.