Marjorie Barretto, si Gerald Anderson ang pinakagusto para sa anak niya



Nabanggit ni Ogie Diaz sa kanyang Showbiz news update kasama si Mama Loi na nakausap niya umano si Marjorie Barretto kamakailan at nabanggit umano nito sa kanya na sa lahat ng naiugnay sa anak nyang si Julia Barretto, pinakagusto niya umano si Gerald para sa anak.


Ito ay dahil umano sa pagiging napakamarespeto nito at maalaga umano kay Julia. Matatandaang matapos lumabas ang video ng panayam ni Ogie Diaz kay Dennis Padilla, muling naging tampulan ng pambabatikos ang dalawa.



Marami naman ang nag-aabang kung sasagutin o lilinawin ba ni Marjorie ang kanyang panig matapos ang pinag-usapang mga pahayag ni Dennis kamakailan.


Samantala, matapos nga lumabas ang nasabing interview ni Ogie kay Dennis, marami ang nakapansin na hindi na rin napapanood ang interview ni Julia sa kanyang ama. Hindi na ito napapanood sa YouTube channel ni Julia.



Si Marjorie Barretto ay nagmula sa prominenteng angkan ng mga Barretto na kilala sa mundo ng showbiz. Bukod sa kanilang husay sa pag-arte, naging usap-usapan ang gulo na namagitan sa kanilang pamilya na tumagal na ng maraming taon.

Powered by Blogger.