Netizen, ibinahagi ang kanyang pagkabigla sa picture niya sa kanyang national ID



Hindi maipagkakailang isa sa suliranin ng maraming Pilipino ay kakulangan ng valid ID. Kaya naman, nang maaprubahan ang pagpapatupad ng National ID system, marami ang nagpahayag ng kanilang pagnanais na makakuha ng nasabing ID.


Ibinahagi ni Facebook user na si Manelyn Barredo Biarcal ang kanyang natanggap na National ID at ikinagulat niya ang picture niya sa nasabing ID dahil mukha umano siyang 55 taong gulang.



Matatandaang inumpasahan na sa ilang piling lugar ang pagpaparehistro para dito noong nakaraang taon pa. Matapos nga mag-viral ang post niya, minabuti ni Biarcal na ipaliwanag kung paano siya nagkaroon ng kanyang National ID.


"Last year po, May nag HOUSE to HOUSE CENSUS po samin.. Tapos binigyan kami ng papel patunay na naka 1st step napo kami. Yun din po dadalhin namin para sa 2nd step. Tapos Naghintay nlng kami ng announcement para sa 2nd interview. 2nd po, NAG ANNOUNCED LANG PO LGU namin (thru FACEBOOK PAGE) Kung kailan at saan ang venue ng interview para sa 2nd step. After ma announced at after ma 2nd interview namin. Nag hintay nalang kami kung kelan pwedeng makuha ang mga ID's namin. Di ko po alam anong way ng ibang LGU's para sa National ID bsta kami dito nag bahay bahay muna sila bago kami nag proceed sa 2nd step."



Ang Philippine Identification System ID (PhilSys ID) o tinatawag ding Pambansang Pagkakakilanlan ang opisyal na National ID card para sa mga Pilipino.


Layon nitong mapadali ang mga transaksiyon mapa-pribado man o sa gobyerno.

Powered by Blogger.