OFW, umamin sa pagnanakaw ng alahas ng amo na nagkakahalaga ng $14.6 million



Inamin ng OFW na si Carmelita Nones na siya ang kumuha ng mga alahas ng kanyang amo na umabot sa $14.6 million ang kabuuang halaga. Umamin din ang mga naging kasabwat niyang pamangkin at isang kaibigan.


Ayon sa ulat ng The Sun Hong Kong, nakatago umano ang mga alahas ng kanyang amo sa isang safe sa loob ng kanyang kwarto at wala umano siyang alam kung paano nalaman ng kasambahay ang combination upang mabuksan ang safe.



Ayon pa sa nasabing ulat, napag-alamang nakapagpatayo umano ng dalawang malalaking bahay ang nasabing OFW at meron din umano itong mga pagmamay-aring sasakyan. Napag-alaman umano ito ng kanyang amo matapos nitong pinaimbestigahan ang pamilya nito sa Pilipinas.


Samantala, mariin naman itinanggi ng kapatid ni Nones na kasabwat siya. Gayunpaman, ayon sa mga otoridad, ilan sa mga alahas ay natagpuan sa sislid ng kanyang kapatid nang mag-imbestiga ang otoridad.




Unang lumabas ang balitang ito noong taong 2019 matapos mapansin ng kanyang mga amo na nawawala ang dalawang mamahaling relo. Ayon sa isang artikulo na inilabas ng OFW Tambayan, minabuti ng mag-asawang amo niya na paimbestigahan si Nones.


Nakita sa kanyang mga gamit ang patunay na isinangla niya ang nawawalang alahas.






Sa isang ulat pa ng The Sun Hong Kong, naaresto si Nones sa bahay ng kanyang amo noong September 4, 2019.

Powered by Blogger.