Ogie Alcasid, buong pagmamalaking ibinida ang tunay na ganda ng asawa



Sa kanyang sariling YouTube channel, pinakita ni Ogie Alcasid sa kanyang mga subscribers ang isang video kung saan makikitang tulog pa ang kanyang misis na si Regine Velasquez.


Bahagya pang nakanganga ang singer sa unang bahagi ng video hanggang sa nagising na ito.



Game na nakipagkulitan ang binansagang "Asia's Songbird" sa mga viewers ni Ogie kahit hindi pa ito nakapag-ayos dahil kakagising pa lang nito.


Natawa na lamang silang mag-asawa sa hirit ng mga viewers tungkol sa kilay ni Regine. Bilang isa sa pinakasikat na singer sa bansa, sanay ang publiko na naka makeup siya kapag nakikita sa telebisyon.


Kaya naman, marami ang naaliw na nakita nila ito nang walang makeup. Marami din ang nakapansin sa natural na ganda ni Regine.



Narito ang ilan sa mga komento ng netizens:


"Maganda pa rin si Regine idol kahit walang make up.saka true love po yan ganyan. Proud ako sa mga lalaking ganyan."


"Wow! Ang fresh and blooming ni Ms. Reg shookt ang gandaaaa!"


"Happy to see Ms Reg so natural na ok lng humarap sa camera without any make up or khit powder...still pretty"

Powered by Blogger.