Food supplier na hindi nakasingil ng balanse mula sa customer, nagpa-Tulfo



Minabuti ng food supplier na dumulog na sa programa ni Raffy Tulfo upang matulungan siya sa kanyang problema dahil ayaw umanong bayaran ng isang customer ang balanse ng kanyang bayarin sa food package na binubuo ng isang malaking litson at walong putaheng ulam.



Nilinaw niyang kaya niya kinuhanan ng video ang kanyang pagpunta sa bahay ng nasabing customer para makapaningil ay dahil nangangamba siya para sa kanyang kaligtasan.


Sinabi naman ni Idol Raffy na babayaran niya na lamang ang sinisingil nitong balanse ngunit aniya ay ituloy pa rin dapat nito ang pagreklamo upang maturuan ng leksiyon ang hindi magandang ginawa sa kanya.




Sa kasalukuyang panahon na lahat ng pangyayari ay maaring ibahagi sa social media, naging mas madali para sa netizens ang makakuha ng mga impormasyon at bagong kaalaman.


Kaya naman, hindi nakakapagtaka na mabilis na kumalat ang mga video at balitang kakaiba o hindi pangkaraniwan.

Powered by Blogger.