Raffy Tulfo, todo ang suporta sa caterer na balak pang kasuhan ng 'di nagbayad na customer



Muling nakapanayam ni Raffy Tulfo ang food supplier na si Marjorie Abstas kaugnay sa isinumbong nito na isang customer na nagmatigas na hindi bayaran ang balanse nito sa kanya.


Nalaman ng Trending Bytes na umaliwalas na ang mukha ni Marjorie matapos na mabigyang pansin ng programa ni Tulfo ang kanyang hinaing.



Subalit, sa unang panayam sa kanila ng customer niya, nabanggit nitong maging sila ay kakasuhan si Marjorie dahil sa sinasabing pambabastos umano nito sa kanila sa social media.


Ngunit, pinayuhan ang customer ng kanyang abogado na huwag nang isa-ere kung ano ang ikakaso nito laban sa caterer.


Dahil dito, pinaghahandaan na rin ni Tulfo ang tulong na ibibigay niya kay Marjorie.


Kukuha umano sila ng abogado mula sa Cebu na tututok sa kasong maaring isampa ng hindi nagbayad na customer kay Marjorie.


Pinayuhan din ni Tulfo base na rin sa kanilang legal team na huwag nang pumayag si Marjorie na makipag-areglo sa customer.


Pinaaalalahanan din niya si Marjorie na huwag nang mag-post sa social media ng anumang patungkol sa nasabing customer.

Powered by Blogger.