Robin Padilla, pinayuhan umano si Kylie na pag-Muslimin na lang si Aljur



Matapos nga kumpirmahin ni Robin Padilla ang balita tungkol sa umano'y paghihiwalay nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla sa unang bahagi ng panayam sa kanya ni Ogie Diaz, muling ibinahagi ni Robina ang kanyang saloobin kaugnay sa nangyari.


“Pagdating sa marriage ano ba ma-a-advise ko? E, failure din kami ng mama niya. Ano’ng credibility ko? Sabi ko, 'Pag-Muslimin mo na lang si Aljur',”



Bilang hindi naman umano naging successful ang kanyang marriage life sa ina ni Kylie, pakiramdam ni Robin ay hindi siya credible na magbigay ng payo.


Sinabihan pa umano nito ang anak na pag-Muslimin na lamang ang asawa.




Si Robinhood Ferdinand CariƱo Padilla o Robin Padilla ay kilala bilang “Bad Boy of Philippine Cinema”. Isa rin siyang screenwriter, producer, director and nationalist.


Tinatawag din siyang “The prince of the Philippine Action Movies”. Agosto 10, 2010 nang ikasal siya kay Mariel Rodriguez sa Taj Mahal sa India. Nagkakilala sila nang minsang naging guest host si Robin sa Wowowee kung saan regular na co-host naman si Mariel ni Willie Revillame.

Powered by Blogger.