Toni Gonzaga, ibibigay ang kita ng isang vlog kay 'Hipon Girl'; hinangaan ng marami



Sa pinakabagong video ng 'Toni Talks' sa YouTube channel ni Toni Gonzaga, nakapanayam niya si Herlene 'Hipon Girl' Budol.


Nalaman ng Trending Bytes na isa sa mga napag-usapan nila ay ang dagok ng pandemya kay Hipon Girl.


Aminado kasi ito na isa siya sa mga namroblema pagdating sa aspetong pinansyal dahil na rin sa kawalan ng regular na trabaho.



"Wala po talaga akong pinagkukunan... 'Pag may raket po, nagpapa-post, 'yung ganun, nagpapa-TikTok. Doon na lang po ako bumabawi, kasi 'pag wala po 'yun, wala po akong pagkukunan," naiiyak na ikinuwento ni Hipon Girl kay Toni.


Hayagan din niyang sinabi na talagang 'Back to zero' sila ng kanyang pamilya at labis na naghihikahos sa ngayon dahil siya ang inaasahan ng mga ito.


"Hindi ako mapapagod. Araw-araw akong gagawa ng paraan para sa kanila," ang pangako naman ni Herlene na walang ibang hangad kundi ang matulungan at maitaguyod ang kanyang pamilya.


Dahil dito, mapapansin sa huling bahagi ng vlog ni Toni ang mensahe na "Proceeds of this vlog will all go to Herlene."


Tila ito ang paraan ni Toni upang matulungan si Herlene na minsan na ring natulungan ng kanya namang kapatid na si Alex.




Dahil dito, labis siyang hinangaan ng mga netizens at labis na na-inspire sa kanyang ginawa.


Narito ang ilan sa kanilang mga komento:


"Proceeds of this vlog will all go to Herlene". Wow Miss Toni nkaka touched. Naiyak talaga ako. God bless you Hipon.. God bless you Miss Toni, Miss Alex and family"


"Celestine is really a kind-hearted person. Your parents raise you and Catherine too well. That’s why I admire you"


"Sobrang lowkey nung help ng ToniTalks... huhuhu ang generous!"


"'Proceeds of this vlog will all go to Herlene' God Bless you more Ms. Toni"


"'Proceeds of this vlog will all go to Herlene' Aside sa mga touching stories ni Herlene, dito ako sobrang na-amaze. Bait mo po talaga Ms. Toni"

Powered by Blogger.