Viral food supplier, nabahala sa umano'y banta sa kanya ni Maria Hofs sa isa nitong interview



Nagbigay ng update ang food supplier na si Marjorie Abastas sa 'Wanted sa Radyo' nang kumustahin siya ni Raffy Tulfo.


Nalaman ng Trending Bytes na bukod sa nagkaharap na sa barangay sina Marjorie at inirereklamo niyang customer na si Mari May Hofs, sinabi nitong nabahala siya sa panibagong pagbabanta na kanya umanong nalaman.


Ayon kay Marjorie, nasabi ni Maria May ang naturang pagbabanta sa isa umanong interview nito ng Brigada sa Cebu.



"Sinabi raw po niya na kung nandito lang ang mga kamag-anak ko, hindi ka makakalabas ng bahay... Nandun po sa live ng Brigada po" pahayag ni Marjorie na sinabi raw umano ni Maria May sa interview.


Agad na rin na naipadala ni Marjorie ang naturang video clip sa staff ni Tulfo bilang ebidensya.


Dagdag pa ni Marjorie, ang tinutukoy umano na mga kamag-anak ni Maria May ay pawang mga nasa Mindanao.


Ayon kay Atty. Sam Ferrer ng ACT-CIS, maituturing pa rin itong pagbabanta at pasok pa rin umano ito sa kasong grave threat.


"Threat po 'yun sir, pwedeng grave threat pa rin 'yun mas lalong lalakas 'yung kaso sa grave threat sir. Kasi 'yung ganoong klase ng pananakot at pagbabanta again amounting to a crime," paglilinaw ng abogado.


Samantala, nagkaharap na umano sina Marjorie at Maria May sa barangay at sinabi raw ng customer na babayaran pa rin sana ang food supplier ngunit itutuliy pa rin umano nito ang kaso laban sa kanya.


Narito ang kabuuan ng panayam kay Marjorie sa unang bahagi ng Wanted sa Radyo ngayong Hulyo 30:

Powered by Blogger.