Basel Manadil, matapang na sinagot ang mga puna sa kanya ni Doc Adam



Matapang at diretsahang sinagot ng YouTuber na si Basel Manadil o mas kilala bilang si The Hungry Syrian Wanderer, ang mga puna at patutsada sa kanya ng isa ring vlogger na si Doc Adam.


Nalaman ng Trending Bytes na tahasang pinuna ni Doc Adam ang umano'y pagtulong ni Basel sa isang lolo na ilang araw nang hindi kumakain.



Aniya, isa umanong 'exploitation' ang pagbi-video ng pagtulong na ginawa ni Basel sa matanda.


"The old man gain some food but lost dignity" ang nasabi ni Doc Adam sa kanyang post na ibinahagi rin ni Basel.


Nabanggit din ng doktor ang halaga ng posibleng kinita ni Basel sa video na iyon.


Dagdag pa ni Doc Adam, nasa 40 katao sa araw-araw ang kanya raw natutulungan ngunit hindi naman niya ito ginagawan ng video.



Handa rin daw umano si Doc Adam na 'ma-bash' dahil sa pahayag niyang ito.


Dahil sa viral post na ito ng doktor, umalma si Basel na naglabas naman ng kanyang panig.


Narito ang kabuuan ng post ni Basel na kanyang naibahagi sa kanyang Facebook:







Si Basel Manadil o mas kilala bilang si 'The Hungry Syrian Wanderer' ay sikat na YouTuber na piniling manirahan sa ating bansa. Kilala siya sa pagtulong niya sa mga Pinoy lalo na isa na siyang ganap na Filipino Citizen.

Powered by Blogger.