Heaven Peralejo at Kiko Estrada, inilantad na ang kanilang pagmamahalan



Sa kauna-unahang pagkakataon ay isinapubliko nina Heaven Peralejo at Kiko Estrada ang tungkol sa kanilang dalawa. Sa kanilang mga sailing social media accounts ay inihayag ng dalawa ang kanilang pagmamahalan.


Sa Instagram post ni Heaven, isang maikling caption na "his" ang kanyang inilagay kalakip ng mga pictures nilang magkasama.



Samantalang "I love you" naman ang nilagay na caption ni Kiko na sinagot ni Heaven ng "I love you too" sa comment section ng post ng aktor.


Kapansin-pansin na limitado lamang ang mga taong maaring mag-iwan ng komento sa post ni Kiko samantalang nakabukas sa publiko ang comment section ni Heaven.




Hindi tuloy napigilan ang ilang mga negatibong komento at ilan sa kanila ang umungkat sa paglabas ng balitang naghiwalay na sina Kiko at Devon at si Heaven ay nadawit sa kanilang hiwalayan.


Si Heaven Peralejo ay nakilala sa mundo ng showbiz matapos niyang maging bahagi ng Pinoy Big Brother. Pamangkin siya ng mga dating aktres na sina Rica Peralejo at Paula Peralejo. Minsan na siyang naiugnay sa anak Nina Manny at Jinkee Pacquiao na si Jimuel.




Gayunpaman, nagkahiwalay silang dalawa matapos nilang aminin ang kanilang relasyon noong 2019.

Powered by Blogger.