Herlene 'Hipon' Budol, nakatanggap ng P100,000 bilang tulong mula kay Wilbert Tolentino



Marami ang natuwa para kay Herlene "Hipon" Budol matapos mapanood ang bagong vlog ni Wilbert Tolentino kung saan naglaro siya ng Pera o Kaldero.


Isa umano sa mga pagpipiliang kaldero ay naglalaman ng P100,000. Ang kalderong may numerong 8 ang pinili ni Herlene dahil ito daw ang kaarawan ng kanyang ama at naniniwala siyang swerte iyon.



Aniya, gagamitin niya sa puhunan ng gustong negosyo ng papa niya ang kalahati at para naman sa kanyang negosyo ang kalahati sakaling makuha niya ang P100,000.


Gayunpaman, matapos nilang mabuksan lahat ng kaldero, puro "bokya" ang nakalagay sa mga takip ng kaldero.


Dito na inilabas ni Wilbert ang isang kaldero na naglalaman ng P100,000. Aniya, plano talaga niyang ibigay iyon kay Herlene bilang tulong at gusto lamang niya makita kung hanggang saan kakayanin ni Herlene.


Aniya, kagaya niya ay risk-taker din si Herlene.




Narito ang reaksiyon ng mga netizens:


"So proud sayo momshie. Talagang tagal kong hinintay na maka collab at matulungan si hipon. Deserve nya po tulong nyo. Bekenemen ibang vlogger jan matulungan nyo din si hipon hehehhee at momshie wilber sana matulungan mo din si Mura po. Panourin nyo vlog ni virgelyncares 2.0"


"That was nice of you sir Wilbert napa ka busilak mo more blessings to come and Good health always"


"Thank you Ka Freshness for giving Herlene this opportunity. God bless always."


Sumikat si Herelene Budol sa kanyang bansag na Hipon Girl sa programang Wowowin. Minahal siya ng kanyang mga tagahanga at tagasubaybay dahil sa pagiging prangka nito kahit pa sa harap ng kamera.

Powered by Blogger.