Isang online seller, kinaaliwan sa kanyang paraan ng pagbebenta



Kinaaliwan at agad na nag-viral ang video ng online selling ng Facebook Page na Daisy_licious Ukay dahil sa pagiging kwela ng online seller.


Marami ang naaliw sa kanya at kahit yung mga hindi naman bibili ng kanyang panindang ukay-ukay na damit ay nanonood ng kanyang live video.



Kamakailan ay nag-viral ang isang bahagi ng kanyang live selling video nang magbenta siya ng damit na aniya ay pwedeng pamburol.


"Kabaong" ang kanyang ibinigay nba code para sa gustong bumili ng nasabing damit. Aniya, dapat kahit ang kamatayan ay pinaghahandaan.


Sa isang bahagi ng video ay pabiro pa itong pumikit upang i-screenshot umano siya.


Agad na nag-viral ang kanyang video.




Narito ang reaksiyon ng ilang netizens:


"Aliw na naliw tlg ako sa kanya. Sakit tyan ko kakatawa. Stress reliever ko na sya mula ngayon"


"Yung tipong wala ka naman talaga bibilhin, pero na nunuod ka ng live selling nya kasi nakakatawa sya..Hahaha"


"Tlagang tatagal ang buhay ninyo madam nakatanggal stress po kau lalo na sa panahon ng pandemic srap ninyo maging kasama sa trbho enjoy lang idol."

Powered by Blogger.