Madam Inutz, nilabas ang kanyang panig kaugnay sa isyu nila ni Ethel Booba



Ayon kay Madam Inutz, masaya siyang nagkaayos na at nagkapatawaran ang matagal nang magkaibigan at magkumareng sina Ethel Booba at ang kanyang manager na si Wilbert Tolentino.


Minabuti niyang ihayag ang kanyang panig hinggil sa isyu lalo at nasasaktan umano siya sa mga nababasa niyang komento na lumaki na umano ang ulo niya at nagbago na siya.



Nilinaw niyang kaya hindi siya lumabas noon ay dahil nag-iingat lamang siya dahil may kontrata siyang pinirmahan at dahil na rin sa unang nagawa niyang naging padalos-dalos siya kaya mas pinili niyang maging mas maingat.


Aniya, walang nagbago sa kanya at bukas na bukas siya sa pakikipag-collab basta dumaan lamang sa tamang proseso. At ito nga ay ang makipag-usap muna sa kanyang manager upang maaprubahan ang gusto nilang collaboration.


Hiniling niya rin na sana ay tigilan na ang mga negatibong mga komento at matuldukan na ang isyu.


Si Daisy Lopez ay isang online seller na sumikat nang husto sa social media dahil sa kanyang kakaibang paraan ng pagbebenta ng kanyang ukay-ukay na paninda. Matapos mag-viral ang kanyang mga video sa social media, lalong dumami ang kanyang viewers. Gayunpaman, wala umanong bumubili sa kanyang mga paninda. Ngunit, ito naman ang naging daan para sa mas magagandang opportunidad sa kanya.

Powered by Blogger.