Madam Kilay, pinayuhan si Queen Inutz kasunod ng pagpirma nito ng kontrata



Sa kanyang Facebook live, ibinahagi ni Madam Kilay ang kanyang saloobin matapos pumirma ng kontrata si Queen Inutz sa isang talent agency.


Ayon kay Madam Kilay, wala naman siyang masabing masama tungkol sa talent agency dahil alam niyang mababait naman daw ang mga tao doon.


Gayunpaman aniya, sa dami ng sumusubaybay sa online seller, kakakayanin na nito na siya na lang mag-isa kahit walang management na humawak sa kanya. Dagdag pa niya, dapat nagtanong na lamang muna siya sa mga eksperto sa pag-vlog.



Ibinahagi niyang halimbawa ang kanyang pag-vlog na kinaya niya kahit solo lang siya.


Hindi naman ikinaila ni Madam Kilay na mahusay ang strategy ni Queen Inutz sa kanyang mga online selling videos.


Matatandaang pumirma kamakailan ng kontrata si Queen Inutz sa isang talent agency kasunod ng pag-viral ng kanyang mga online selling videos.


Unang nakilala si Madam Kilay dahil sa kanyang nakakatuwang Facebook Video kung saan iba-iba ang hugis ng kanyang kilay kaya siya tinawag bilang Madam Kilay. Si Jinky Anderson sa totoong buhay ay minsan na ring napanood sa telebisyon nang mapasali siya sa Eat Bulaga at iba pang TV shows.

Powered by Blogger.