Madam Maria Hofs, pinagbigyan ang mga taong nagpapa-picture sa kanya



Bilang isa sa bansang may mataas na bilang ng mga taong gumagamit ng social media at internet, hindi nakakapagtakang sumikat nang husto ang bahay at maging si Maria Hofs kasunod ng pag-viral ng video ni Marjorie Abastas kamakailan.


Sa kanyang mga naunang pahayag sa isang panayam, matatandaang ibinahagi ni Maria ang kanyang pangamba para sa kaligtasan sila ng kanyang pamilya dahil sa mga negatibong reaksiyon ng tao.



Gayunpaman, sa mga video na kumakalat sa kasalukuyan sa social media, tila marami na rin sa mga tao ang nais lamang magpalitrato sa kanya. Makikita na maraming tao ang naroroon sa tapat ng daanan paakyat sa bahay nila para lang makapag papicture sa kanya.


Sa kasalukuyang panahon na lahat ng pangyayari ay maaring ibahagi sa social media, naging mas madali para sa netizens ang makakuha ng mga impormasyon at bagong kaalaman.


Kaya naman, hindi nakakapagtaka na mabilis na kumalat ang mga video at balitang kakaiba o hindi pangkaraniwan.

Powered by Blogger.