Mahal at Mura, kinaaliwan ng mga netizens sa kanilang muling pagkikita



Marami ang natuwa na sa wakas ay nagkita ang dating magkatambal na sina Mahal Tesorero at Mura nang sadyain nina Mahal at Mygz Molino ang tahanan ni Mura.


Dahil sa putik, kinailangang maglakad nila papasok at paakyat sa bundok papunta sa bahay ni Mura.



Hindi naman hinayaan ni Mygz si Mahal at karga-karga niya ito sa maputik na daan upang hindi ito mahirapan.


Si Mura naman ay binuhat din ng kanyang kaanak.


Nang makarating sila sa bahay ni Mura, doon na muling nagkausap ng masinsinan ang dating magka-tandem.


Dito nabanggit ni Mura na pinadalhan pala siya nina Mahal ng pera na pinambili niya ng gatas.




Si Mahal na isinilang bilang si Noemi Tesorero ay sumikat sa mundo ng komedya. Kabilang sa kanyang mga nagawang pelikula ay Id'Nal (Mapusok) (2012), Kokey (1997) at Mr. Suave: Hoy! Hoy! Hoy! Hoy! Hoy! Hoy! (2003).


Samantalang si Mura o si Allan Padua sa totoong buhay ay mula sa Guinobatan, Albay. Una siyang nakilala nang sumali siya sa isang contest sa Masayang Tanghali Bayan. Una siyang pinakilala sa publiko bilang kakambal ni Mahal.


Nang humina ang kasikatan ng tambalang Mahal at Mura, isinapubliko ang tungkol sa tunay na kasarian ni Mura. Naging bahagi siya kinalaunan ng ilang Kapuso shows kagaya ng Majika, Captain Barbell, Super Twins, at Magic Kamison

Powered by Blogger.