Neil Arce, nanghiram muna ng singsing sa anak sa mismong seremonya ng civil wedding



Masayang ibinahagi nina Angel Locsin at Neil Arce ang mga makukulit na pangyayari sa kanilang civil wedding na gumulat sa publiko.


Matatandaang, Agosto 7 nila ito ipinaalam ngunit Huyo 26 pa pala naganap ang kanilang pag-iisang dibdib.



Taong 2019 pa nang mag-propose si Neil kay Angel at agad silang nagplano para sa isang church wedding.


Naroong palipad na sana sila patungong Finland para sa kanilang pre-nuptial photoshoot subalit nagsimula na ang pandemya.


Dahil dito, civil wedding muna ang isinakatuparan ng dalawa. Inakala pa ni Neil na maari na silang ikasal agad at magpapaalam lamang sa alkalde ng kanilang lugar.


"Pwede niyo po ba kaming ikasal bukas? Hindi pala ganun 'yun. So marami pa palang aayusin na papaerworks," kwento ni Neil.


At sa mismong araw pa ng kanilang pag-iisang dibdib, wala rin silang wedding ring. Inakala nilang sa church wedding lamang ito kailangan.




"Yung rings niyo? Kailangan ba namin ng rings? 'Di pwedeng walang rings," kwento ni Neil.


"Siya, ginamit namin yung engagement ring niya, ako, buti nalang 'yung anak ko medyo rocker nakasingsing... sabi ko 'let me borrow your ring' sabi niya 'you can use this first'," makulit na ibinahagi ni Neil.


Narito ang kabuuan ng detalye ng kanilang kasalan mula mismo sa kanilang YouTube na The Angel and Neil Channel:

Powered by Blogger.