Pinoy na naisipang mag-ihaw ihaw sa New York, pumapalo sa ₱800,000 ang kita kada buwan



Pumatok sa New York, USA ang street food business ng kababayan nating si Robin John Calalo na lakas-loob na nagbukas ng kanyang 'ihaw-ihaw' stall.


Nalaman ng Trending Bytes na dahil sa nag-crave lamang si Robin sa isaw, nagkaroon siya ng instant business.


Kwento niya sa GMA News, namalengke siya na may dalang $50 para mamili ng mga pwede ihawin.



Dinamihan niya ito at naisipang ibenta sa mga kaibigan. Agad naman itong nabili maging ng kanyang mga kamag-anak.


Dahil dito, tinagurian na siyang 'boy isaw' dahil sa binabalik-balikan ng kanyang mga customer na 'adidas o paa ng manok', 'betamax o dugo ng baboy', isaw ng manok, at maging ang inihaw na hotdog.


Maging ang ibang mga nasyunalidad ay tinangkilik ang kanyang paninda kaya naman ang halagang Php200,000 ay kita lamang niya sa isang linggo.


Lalo pang naging masagana ang kanyang negosyo ngayong pandemya at maging ang kanyang online business ng ready to cook na 'ihaw-ihaw' ay mabenta rin.


Narito ang kabuuan ng panayam sa kanya ng 24 Oras/ GMA News:

Powered by Blogger.