Maui Taylor, happy para sa mga tumangkad dahil sa kanya



Si Maui pa talaga ang tatanungin! Noon pa man, alam na ng iconic Viva sexy actress na si Maui Taylor ang karerang pinasok niya.


Sa kaniyang pagsisimula, sa height ng kaniyang karera, at hanggang sa pagpapatuloy nito ngayon aware ang sexy actress na ang mga karakter na dinala niya sa pinilakang tabing ay ‘di basta-basta malilimutan at ‘di siya kailanman makakawala doon.



In fact, sa mga tanong tungkol sa kaniyang mga sinubukan hubaran noon. Game si Maui sumagot. Proof ito ang recent at nakakalokang encounter niya sa isan fan.


Ayon sa mga reports, may isang male fan ang prangkahang tinanong ang aktres tungkol sa kaniyang past films.


Ang tanong ng fan, kung anong pakiramdam ng aktres na halos sambayanang Pilipino ay pinag-pantasyahan siya.




Ang sagot ng aktres? Happy for everyone pa siya!


“Ang pakiramdam ko? E, ‘di masaya. Masaya, saka at least tumangkad kayo.” nakangiting sagot nito.


Sa virtual media conference para sa upcoming pelikula niyo na ang “69 + 1” kasama si Janno Gibbs at Rose Van Ginkel. Pinaliwanag ni Maui na “no offense taken” siya sa tanong.


“Actually, hindi ako nao-offend sa ganoon. Natatawa pa nga ako at saka natutuwa ako sa kanila. At the same time, natutuwa ako sa sarili ko dahil naka-contribute ako sa kanila.”




Nag-invite pa nga aktres!


“Sa lahat ng mga tumangkad, sa lahat ng nais pang tumangkad, puwedeng-puwede pa kayong humabol!” game nitong sagot.

Powered by Blogger.